Skip to Content

Bakit mainam kung pipiliin ang CUPE?

Three individuals smile at the camera

Ang Canadian Union of Public Employees (CUPE) ay ang pinakamalaking unyon sa Canada na may mahigit sa 700,000 miyembro sa buong bansa. Kinakatawan ng CUPE ang mga manggagawa sa iba't-ibang mga sektor kabilang na ang mga kompanya ng mga eroplano o himpapawid, serbisyo sa pangangalaga ng mga bata, maagang pag-aaral, serbisyo pang-emerhensiya, pangangalaga sa kalusugan, K-12, mga aklatan, mga munisipalidad, pangkolehiyo, mga serbisyong panlipunan, at transportasyon.

Ang pagsali sa CUPE ay nangangahulugang pagiging bahagi ng isang kolektibong boses na nagsisigurado na ang iyong mga alalahanin ay naririnig at tinutugunan ng iyong tagapag-empleyo. Ang mga manggagawang nagsasama-sama upang bumuo ng mga lokal na unyon ay siyang nagtatag sa CUPE. Ginawa nila ito para magkaroon ng mas malakas na tinig– isang kolektibong tinig – sa kanilang lugar ng trabaho at sa lipunan sa kabuuan.

Higit sa lahat, makikipagtulungan kami sa iyo upang makabuo ng isang kolektibong kasunduan na sumasalamin sa likas na katangian ng iyong trabaho at nagtatakda ng mga tuntunin at kundisyon na dapat igalang ng iyong tagapag-empleyo. Ang mga arbitraryong desisyon at mga aksyon ng isang tagapag-empleyo ay hindi pahihintulutan kaugnay sa nilalaman ng napagkasunduang collective agreement. Magkakaroon kayo ng kolektibong boses at magagawa ninyong gumawa ng mga demokratikong desisyon tungkol sa inyong lugar ng trabaho. Ang pagiging miyembro ng CUPE ay nangangahulugang mayroon kang mga materyales, impormasyon, mga programa, at eksperto sa kawani na kailangan upang harapin ang tagapag-empleyo sa pantay na mga kundisyon.

Ang pagpirma sa isang card ay nangangahulugang ikaw ay nag-aapply para maging miyembro ng CUPE at ito ay nagpapahiwatig sa Labour Relations Board na sinusuportahan mo ang pagbuo ng unyon sa iyong lugar ng trabaho. Walang bayad ang pagpirma.

Hindi. Hindi maaaring sisantihin o disiplinahin ng isang tagpag-empleyo ang isang empleyado dahil ito ay nagsuporta sa mga pagsisikap ng unyon na organisahin ang lugar ng trabaho. Sa katunayan, kung susubukan ng tagapag-empleyo na disiplinahin ang empleyado, ang unyon ay maaaring maghain ng reklamo para sa empleyado sa di-makatarungang gawain sa paggawa (unfair labour practice) sa Labour Relations Board.

Hindi. Walang karapatan ang mga employer na malaman kung sino ang pumirma o hindi pumirma ng card. Hindi sinasabi ng Labour Relations Board sa employer ang mga pangalan ng mga empleyadong pumirma ng membership cards.

Back to top